Wednesday, March 30, 2011

#2 Katotohanan ukol sa paningin mo sa mga magnanakaw

 Katotohanan: May mga taong magnanakaw.
 Katotohanan: Hindi lahat ng tao ay magnanakaw.

Nakabold na Katotohanan
Katotohanan: Hindi lahat ng tao ay magnanakaw, kaya huwag mong pag-isipan ang lahat na masama.
Katotohanan: Kailangan lang ay maging maingat at handa para sa mga-taong-magnanakaw.

#1 Mga katotohanan sa pagbitay sa 3 Pinoy sa Tsina dahil sa pagkakahuli sa kanila bilang drug mules

1

Katotohanan: Bibitayin ngayong araw ang 3 Pinoy sa Tsina.
Katotohanan: Bibitayin sila dahil nahuli sila bilang drug mule o sa kasong drug trafficking.
Katotohanan: Nagpapanic ang mga Pilipino dahil sa pagbibitay sa 3 pinoy.
Katotohanan: Pinuntahan pa ni Binay (B-Presidente) ang Tsina upang makipag negosasyon sa ikaliligtas ng 3.


Naka Bold na Katotohanan


Ang 3 Pinoy.
Katotohanan: Walang kinaibahan ang 3 pinoy sa libu-libong pinoy na nahuhuling drug mules sa Pilipinas.
Katotohanan: Kriminal din tulad ng 3 pinoy na nahuli na bibitayin sa Tsina, ang mga pinoy na nahuhuli dito sa Pilipinas.
Katotohanan: Lumabag sa batas ng Tsina ang 3.
Katotohanan: Kaya naman paparusahan sila ayon sa batas ng Tsina.
Katotohanan: Ang paghahatol ng kaparusahan ay ang pagsisilbi para sa hustisya.
Katotohanan: Ayaw ng mga Pinoy na mabitay ang 3.
Katotohanan: Dahil ayaw ng mga Pinoy na mabitay ang 3, ayaw rin nilang magkaroon ng hustisya.
Katotohanan: Nag-sasama-sama at gumagawa ng iba't ibang aksyon ang mga Pilipino upang hindi mabitay ang 3.
Katotohanan: May prayer vigil para hindi matuloy ang bitay sa 3.
Katotohanan: Andami-daming nahuhuling kriminal ng droga dito sa Pilipinas, pero hindi naman tayo nag-sasama-sama para iligtas sila sa kaparusahan.
Katotohanan: Andami-daming nahuhuling kriminal ng droga dito sa Pilipinas, pero wala namang malawakang  prayer vigil para sa kanila.
Katotohanan: Andami-daming nahuhuling kriminal ng droga dito sa Pilipinas, pero hindi naman bumibida si Binay sa mga puntong yaon.


Si Sally Villanueva.
Katotohanan: Hindi alam ni Sally Villanueva na may lamang droga ang dala niyang Bag sa pangingibang bansa niya.
Katotohanan: Katangahan ang tawag pagdadala ng bagay na hindi mo alam ang laman.
Katotohanan: ANG TANGA ni Sally Villanueva dahil nagdadala siya ng bag na hindi niya alam ang laman.
Katotohanan: Katangahan ang tawag kung bakit hindi ka pa maghihinala na bibigyang ka ng malaking Pera para lang gumamit ng isang maleta.
Katotohanan: ANG TANGA ni Sally Villanueva dahil hindi man lang siya naghinalang bibigyang ka ng 50,000 para lang gumamit ng isang maleta.
Katotohanan: Pera ang dahilan kaya napagdala ng bag na hindi niya alam ang laman si Sally Villanueva.
Katotohanan: May pera din naman dito sa Pilipinas.
Katotohanan: konti ang perang nakukuha dito sa Pilipinas.
Katotohanan: Kahit konti ang nakukuhang pera, pagna-ipon dumadami.
Katotohanan: Dadami pa lalo ang pera kapag nag tiyaga.
Katotohanan: Si Sally Villanueva ay walang tiyagang mag-ipon dito sa Pilipinas, kaya pinili niya ang mabilis na 50,000 pesos na makukuha niya.
Katotohanan: Nakapala si Sally Villanueva dahil mabilis na pera ang gusto niya, mabilis din ang hatol sa buhay niya.


Si Ramon Credo.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay umaming kasapi ng sindikato ng droga.
Katotohanan: Inamin ng asawa ni Ramon Credo na kasapi ng sindikato ng droga si Ramon Credo.
Katotohanan: Nagpupuslit ng droga si Ramon Credo.
Katotohanan: Ang droga ay sumisira sa buhay ng mga taong gumagamit nito ng walang alam.
Katotohanan: Sinisira ni Ramon Credo ang buhay ng mga tao.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay pinagtatanggol pa mula sa kamay ng hustisya kahit na siya ay kriminal.
Katotohanan: Pinagdarasal ng mga Pinoy ang kaligtasan ni Ramon Credo.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay sumisira ng buhay, ngunit pinagtatanggol pa rin ng mga Pilipino at ni Binay.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay nahuli sa Tsina.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay pumunta sa Tsina at samakatuwid ay nagpasailalim sa tipan ng Tsina.
Katotohanan: Bawal ang drug mules sa Tsina.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay dapat tumanggap ng kaparusahan na ibinibigay ng batas ng Tsina ayon sa konsepto nila ng hustisya.


Si Binay.
Katotohanan: Pagkokonsinte ang tawag kapag alam mo nang mali ay pinagtatanggol mo pa.
Katotohanan: Ipinagtatanggol ni Binay ang 3 pinoy kahit nahuli nang nagkamali.
Katotohanan: Si Binay ay bise-presidente ng Pilipinas.
Katotohanan: Nagmumukhang nangungunsinte ang Pilipinas ng mga drug traffickers.
Katotohanan: Bumabango ang pangalan ni Binay dahil sa pagbibida-bidahan niya sa isyung ito.



Si Elizabeth Batain.
Katotohanan: Si Elizabeth Batain ay may blurr na litrato sa tv.

Unang Tala

Alas tres ng umaga, medyo naalibanbaran na rin ako kakaisip kung ano ang gagawin ko sa blog na ito. Halos mag-iisang linggo nang live tong blog na ito pero wala pa akong nasisimulan. First impression kase ay mahalagang bagay sa akin, pero ayoko naman masyadong magtagal na nakatanga lang itong blog na ito, baka mag ningas kugon na naman ako. Kaya naman gusto ko na rin simulan ang pag po-post sa blog na ito.
Wala akong maisip na pwede kong simulang gawan ng article, kaya naman nag-Google ako ng News. Ayun, napunta ako dito: http://www.nytimes.com/2011/03/30/world/asia/30iht-philippines30.html Iyan daw ang pinaka matunog na balita ngayon, babasahin ko lang at mag-ri-research at gagawan ko na siya ng article mamaya-maya.

Siya nga pala, wag nyo ko kalimutang i-add sa facebook ha! Bagong gawa lamang, at wala pang friend! http://www.facebook.com/alintuhang.toto

Friday, March 25, 2011

Summer + Vacation = Blogging

Katotohanan lang, kaya ako nagblog ay dahil wala lang talaga akong magawa ngayong summer. Bukod pa dito goal ko na talagang magkaroon ng blog gamit ang pen name ko. At sa puntong ito, sisiguraduhin kong itatago ako ng pen name ko.