Wednesday, March 30, 2011

#1 Mga katotohanan sa pagbitay sa 3 Pinoy sa Tsina dahil sa pagkakahuli sa kanila bilang drug mules

1

Katotohanan: Bibitayin ngayong araw ang 3 Pinoy sa Tsina.
Katotohanan: Bibitayin sila dahil nahuli sila bilang drug mule o sa kasong drug trafficking.
Katotohanan: Nagpapanic ang mga Pilipino dahil sa pagbibitay sa 3 pinoy.
Katotohanan: Pinuntahan pa ni Binay (B-Presidente) ang Tsina upang makipag negosasyon sa ikaliligtas ng 3.


Naka Bold na Katotohanan


Ang 3 Pinoy.
Katotohanan: Walang kinaibahan ang 3 pinoy sa libu-libong pinoy na nahuhuling drug mules sa Pilipinas.
Katotohanan: Kriminal din tulad ng 3 pinoy na nahuli na bibitayin sa Tsina, ang mga pinoy na nahuhuli dito sa Pilipinas.
Katotohanan: Lumabag sa batas ng Tsina ang 3.
Katotohanan: Kaya naman paparusahan sila ayon sa batas ng Tsina.
Katotohanan: Ang paghahatol ng kaparusahan ay ang pagsisilbi para sa hustisya.
Katotohanan: Ayaw ng mga Pinoy na mabitay ang 3.
Katotohanan: Dahil ayaw ng mga Pinoy na mabitay ang 3, ayaw rin nilang magkaroon ng hustisya.
Katotohanan: Nag-sasama-sama at gumagawa ng iba't ibang aksyon ang mga Pilipino upang hindi mabitay ang 3.
Katotohanan: May prayer vigil para hindi matuloy ang bitay sa 3.
Katotohanan: Andami-daming nahuhuling kriminal ng droga dito sa Pilipinas, pero hindi naman tayo nag-sasama-sama para iligtas sila sa kaparusahan.
Katotohanan: Andami-daming nahuhuling kriminal ng droga dito sa Pilipinas, pero wala namang malawakang  prayer vigil para sa kanila.
Katotohanan: Andami-daming nahuhuling kriminal ng droga dito sa Pilipinas, pero hindi naman bumibida si Binay sa mga puntong yaon.


Si Sally Villanueva.
Katotohanan: Hindi alam ni Sally Villanueva na may lamang droga ang dala niyang Bag sa pangingibang bansa niya.
Katotohanan: Katangahan ang tawag pagdadala ng bagay na hindi mo alam ang laman.
Katotohanan: ANG TANGA ni Sally Villanueva dahil nagdadala siya ng bag na hindi niya alam ang laman.
Katotohanan: Katangahan ang tawag kung bakit hindi ka pa maghihinala na bibigyang ka ng malaking Pera para lang gumamit ng isang maleta.
Katotohanan: ANG TANGA ni Sally Villanueva dahil hindi man lang siya naghinalang bibigyang ka ng 50,000 para lang gumamit ng isang maleta.
Katotohanan: Pera ang dahilan kaya napagdala ng bag na hindi niya alam ang laman si Sally Villanueva.
Katotohanan: May pera din naman dito sa Pilipinas.
Katotohanan: konti ang perang nakukuha dito sa Pilipinas.
Katotohanan: Kahit konti ang nakukuhang pera, pagna-ipon dumadami.
Katotohanan: Dadami pa lalo ang pera kapag nag tiyaga.
Katotohanan: Si Sally Villanueva ay walang tiyagang mag-ipon dito sa Pilipinas, kaya pinili niya ang mabilis na 50,000 pesos na makukuha niya.
Katotohanan: Nakapala si Sally Villanueva dahil mabilis na pera ang gusto niya, mabilis din ang hatol sa buhay niya.


Si Ramon Credo.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay umaming kasapi ng sindikato ng droga.
Katotohanan: Inamin ng asawa ni Ramon Credo na kasapi ng sindikato ng droga si Ramon Credo.
Katotohanan: Nagpupuslit ng droga si Ramon Credo.
Katotohanan: Ang droga ay sumisira sa buhay ng mga taong gumagamit nito ng walang alam.
Katotohanan: Sinisira ni Ramon Credo ang buhay ng mga tao.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay pinagtatanggol pa mula sa kamay ng hustisya kahit na siya ay kriminal.
Katotohanan: Pinagdarasal ng mga Pinoy ang kaligtasan ni Ramon Credo.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay sumisira ng buhay, ngunit pinagtatanggol pa rin ng mga Pilipino at ni Binay.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay nahuli sa Tsina.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay pumunta sa Tsina at samakatuwid ay nagpasailalim sa tipan ng Tsina.
Katotohanan: Bawal ang drug mules sa Tsina.
Katotohanan: Si Ramon Credo ay dapat tumanggap ng kaparusahan na ibinibigay ng batas ng Tsina ayon sa konsepto nila ng hustisya.


Si Binay.
Katotohanan: Pagkokonsinte ang tawag kapag alam mo nang mali ay pinagtatanggol mo pa.
Katotohanan: Ipinagtatanggol ni Binay ang 3 pinoy kahit nahuli nang nagkamali.
Katotohanan: Si Binay ay bise-presidente ng Pilipinas.
Katotohanan: Nagmumukhang nangungunsinte ang Pilipinas ng mga drug traffickers.
Katotohanan: Bumabango ang pangalan ni Binay dahil sa pagbibida-bidahan niya sa isyung ito.



Si Elizabeth Batain.
Katotohanan: Si Elizabeth Batain ay may blurr na litrato sa tv.

0 comments:

Post a Comment